-- Advertisements --
Saret new

VIGAN CITY – Ipinagtanggol ng konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong ang paggamit ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ng diplomatic passport sa naunsiyaming biyahe nito sa nasabing bansa kahapon.

Sa mensaheng ipinadala sa Bombo Radyo Vigan ni Consul Paul Saret, sinabi nito n pinahihintulutan umano ang paggamit ni Del Rosario ng nasabing klase ng passport dahil siya ay dating ambassador at dating DFA secretary.

Ito umano ay isa sa mga pribilehiyo ng mga dating ambassador at dating kalihim ng nasabing ahensya.

Nabatid na kinuwestiyon ni Senate President Tito Sotto ang paggamit ng dating kalihim ng diplomatic passport sa pagpunta nito sa Hong Kong para sa isang business deal.

Kahapon, hindi naman napahintulutang makapasok sa nasabing bansa ang dating opisyal matapos itong harangin sa immigration ng Hong Kong airport ng halos na anim na oras.