Mahigpit na binabantayan ngayon ng Philippine Consulate General sa New York ang nagpapatuloy na pro-Palestinian protest sa Northeastern na bahagi ng Estados Unidos kung saan maraming mga Pilipino at Filipino- American ang nag-aaral at nagtuturo sa naturang lugar.
Sa isang statement, sinabi ng naturang konsulado na sa ngayon ay hindi pa naman sila nakatatanggap ng anumang ulat na may mga Pilipinong nadama o napasama sa mga naaresto ng indibidwal ng mga otoridad nang dahil sa pakikiisa sa naturang kilos-protesta.
Ngunit kasabay nito ay patuloy na hinihikayat ng Philippine Consulate ang lahat ng mga Pilipino sa naturang lugar na manatiling sumunod sa batas upang maiwasan ang anumang uri ng legal risk, gayundin ang palagiang pag-iingat sa lahat ng oras.
Samantala, patuloy naman na tinitiyak ng konsulado na handa sila na magpaabot ng tulong sa lahat ng mga kababayan nating maaapektuhan ng mas umiigting pa ng nagpapatuloy na kilusan.
Kung maaalala, sa ulat ay aabot na sa 400 na mga estudyante ang naaresto ng mga otoridad kabilang na ang mga mag-aaral na mula sa Columbia University, New York University, at City College of New York.
Ngunit ayon sa New York Police Department, 30% sa mga indibidwal na kanilang naaresto ay hindi mga estudyante.