Idinipensa ng ilang kongresista ang plano ng liderato ng Kamara na sumailalim sa konsultasyon ang lehislatibo sa ehekutibo para sa panukalang pambansang pondo sa susunod na taon upang mapabilis ang proseso at pag-apruba rito.
Binigyan diin ni House Majority Leader Martin Romualdez na consistent ang planong ito sa constitutional mandate na ang lehislatura ang may power of the purse.
Mas mapapabilis kasi ng naturang hakbang ang konsiderasyon sa budget proposal ng Pangulo hindi lamang sa House Committee on Appropriations kundi maging sa plenaryo na rin.
Naniniwala naman si Cavite Rep. Elpidio Barzaga na maiiwasan din dito ang pag-veto ng Pangulo sa ilang nilalaman ng proposed budget dahil sa simula pa lamang ay maiiwasan na ang pagkakasingit ng pork barrel o parked funds.
“The consultation is meant to ensure a 20-20 vision national budget that would continue the road to a more peaceful and progressive Philippines and make the life of Filipinos more comfortable,” ani Barzaga.