Nanawagan sa publiko ang election watchdog na Kontra Daya na manatiling mapagmatyag laban sa anumang uri ng pandaraya sa halalan ngayong nagsimula na ang campaign period para sa mga national candidates at party-list groups.
Dapat na mahigpit anilang bantayan ng publiko ang anumang pang-aabuso o maling paggamit ng resources ng pamahalaan, harassment at intimidation, disinformation, disenfranchisement, vote-buying at red-tagging.
Pinag-iingat din ng mga ito ang publiko sa pagkuha ng litrato at video footage ng anumang malayo sa ordinaryo at ipadala ang mga ebidensyang ito sa kanila sa Kontra Daya.
Mas mainam kung kalakip nang pagpapadala ng video at litrato ang petsa, oras at lugar kung saan kinuha ang mga ito, pati na rin nang mahigpit na paliwanag sa kung ano ang nangyari bakit kinuha ang mga ito.
Ayon sa Kontra Daya, kanilang iipunin ang impormasyon na kanilang matatanggap para kanilang mapag-aralan at ipapadala rin sa mga otoridad.
Maari lamang aniya makipag-ugnayan sa kanilang website, Facebook page, twitter account, o email address para sa anumang sumbong na may kaugnayan sa election fraud.