CENTRAL MINDANAO-Maaanghang na salita at panglalait sa social media ang natatanggap ni Rose Calambro Colguhoun ng Barangay San Mateo Aleosan Cotabato mula sa panig ni Reniza Gatchalian.
Pinatigil ni Calambro ang pagsasaayos ng kitchen sa loob ng kanyang tahanan dahil hindi naman umano sinusunod ng kontraktor ang kanilang napag-usapan lalo na sa materyales na ginamit.
Ang total contract sa kitchen ay nagkakahalaga ng 145,000.00 at may cash advance ng 115,000.00 ang grupo ni Gatchalian sa mag-asawang Rose at Brian Colguhoun na nakatira sa bansang Australia.
Bago nag-umpisa ang paggawa ng kitchen ay napag-usapan ng magkabilang panig na magbibigay ng 50% downpayment si Rose Calambro at dagdag na 50% pag natapos na ang trabaho ngunit sumobra pa ang cash advance ng kontraktor.
Kahit hindi nagustuhan ng mag-asawa ang ginawang kitchen sa kanilang tahanan ay sinabihan nito ang kontraktor na tapusin na lamang ang kanilang trabaho kung saan babayaran sila sa remaining balance.
Nagmatigas umano ang grupo ni Gatchalian na tapusin ang kanilang trabaho at inireklamo pa sa Barangay ang mag-asawa at pati pamilya nito.
Sinabi rin ni Jonary Calambro ,kapatid ni Rose na may pagkakataon pa na binabantaan sila ng kontraktor at magsasampa umano ng kaso.
Inayos na ang problema sa Barangay Level ngunit ayon kay Jonary tila dihado sila at ayaw pakinggan ang kanilang panig.
Dagdag ni Rose na binastos na sila,nilait,binantaan at pinahiya sa publiko kaya hindi na sila aatras pa matira ang matibay total may mga ebedensya silang hawak.
Kung magsasampa ng kaso ang grupo ni Gatchalian ay haharapin ito ng mag-asawang Rose at Brian Colguhoun sa kahit saang korte sa bansa.
Bukas naman ang himpilang ito sa panig ng kontraktor na si Reniza Gatchalian para sa patas na pamamahayag.