CENTRAL MINDANAO-Mariing pinabulaanan ni Renisa Gatchalian na hindi palpak at hindi nila inabandona ang kanilang trabaho sa kitchen ng isang tahanan sa bayan ng Aleosan Cotabato.
Ayon kay Gatchalian na nag-umpisa ang gusot sa kanilang trabaho ng hindi na sila nagkasundo ng kanilang kostumer na si Rose Calambro Colquhoun.
Dati naman ay maganda ang kanilang usapan at nagkasundo sa pinagagawa nitong kusina.
Ayaw na raw nitong magbayad sa mga dagdag na materyales na nabili na pinagawa nitong kitchen pati na ang remaining balance.
Dumating ang punto na nakakatanggap na ng pagbabanta si Gatchalian at mga karpentero niya sa kapatid ni Rose.
Napilitan na umano si Gatchalian na magreklamo sa Brgy Council ng Barangay San Mateo Aleosan.
Nilinaw ni Gatchalian, ni Kaylan hindi nagkaproblema sila sa iba nilang kostumer at ngayon lang sa pamilya ni Colquhoun.
Matatandaan na unang sinabi ni Rose Calambro Colquhoun na pinatigil nya ang ginawang kitchen dahil hindi umano sinusunod ng kontraktor ang kanilang usapan at palpak ang kanilang trabaho.
May pagkakataon rin na binastos,binantaan at nilait siya pati ang kanyang pamilya ng grupo ni Gatchalian.
Dagdag ni Rose Calambro ng nakabayad na sya ng 115,000.00 kay Gatchalian at magbabayad pa sa remaining balance kong maayos sana ang kanilang trabaho.
Kapwa may rason at paninindigan ang dalawang grupo na posibling humantong sa demandahan.
Umaasa naman ang Barangay Council ng Barangay San Mateo Aleosan Cotabato na sana maayos sa mahinahon na usapan ang kanilang hindi pagkakaunawaan ng pamilya ni Rose at ni Gatchalian.