Pirmado na ni Department of Transportation (DoTr) Arthur Tugade ang kontrata ng paggawa ng Philippine National Railways South Long Haul project (PNR Bicol).
Ang unang package ng kontrata na tinaguriang “single largest rail contract” ay isang joint venture ng China Railway Group, Lt. at China Railway Engineering Consulting Group Co. Ltd (CREC JV) para sa 380 kilometers project.
Ang nasabing proyekto ay mula sa Banlic, Calamba hanggang Daraga, Albay.
Masasakupan itong 39 lungsod at munisipalidad, apat na probinsiya at dalawang rehiyon.
Ang unang bahagi ng kontrata na P142-bilyon Design-Build ay para sa desenyo, konstruksyon at electromechanical works ng proyekto.
Ayon pa sa DoTR na kinabibilangan ito ng paggawa ng 23 stations, 230 tulay, 10 passenger tunnels at 70 hectare depot sa San Pablo, Laguna.
Kapag natapos na ay magiging apat na oras na lamang ang biyahe mula Metro Manila hanggang Bicol na dati ay aabot pa sa 12 oras.