Sinelyuhan na ng Commission on Elections at Miru Systems Company Limited ang kontrata para sa gaganaping Midterm Elections sa susunod na taon.
Kaninang ala 10 ng umaga ng simulan ang programa sa COMELEC Intramuros.
Pinangunahan ito ni COMELEC, Chairman George Erwin Garcia, commissioner ng poll body at kinatawan ng Miru Systems Company Limited.
Kung maaalala, nanalo ang naturang kompanya sa ginawang bidding na siya namang mag-provide ng teknolohiya na gagamitin para sa pagsasagawa ng eleksyon.
Sila rin ang nakatakdang mag supply ng 110,000 na mga makina, ballot boxes, printing of ballots, mga laptops, at iba pa.
Nilinaw naman ng poll body na ang naturang kontrata at limitado lamang sa pagrenta ng COMELEC sa mga teknolohiya at kagamitan ng nasabing kompanya.
Kamasa rin sa serbisyo ng Miru ay ang Transparency Audit/Count (FASTrAC) para sa 2025 National and Local Elections.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Miru Systems Company Limited sa tiwalang ibinigay sa kanila ng Commission on Election.
Kasabay nito ay tiniyak ng kompanya na tatalima sila sa a Terms of Reference kasabay ng pagtitiyak ng isang malinis at mapayapang halalan sa 2025.