Pumirma ang bansa ng mga kontrata para sa pagtatayo ng isang railway project sa Southern at Central Luzon na tinaguriang “pinakamalaking railway line.”
Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista, ang 147-kilometers North-South Commuter Railway Project, na magkakaroon ng 35 istasyon at 3 depot, ay inaasahang magbabawas ng oras ng paglalakbay mula Calamba, Laguna hanggang sa Clark International Airport.
Aniya, ibabalik ang kultura ng riles sa Pilipinas dahil sa proyekto na ito.
Magbibigay din ito ng “ligtas, abot-kaya at maginhawang transportasyon” para sa mga Pilipino habang pinabibilis ang ating economic rebound.
Base sa datos ng Department of Transportation (DOTr), ang railway project – na ikokonekta sa iba pang linya ng tren sa Pilipinas – ay inaasahang makakatanggap ng 600,000 pasahero araw-araw.
Magsisimula ang konstruksyon sa Pebrero 2023, habang ang buong operasyon ay inaasahang magsisimula sa 2029.
Mayroong 110,000 direct at non-direct jobs ang bubuo mula sa proyektong ito.
Ang P90-billion projects ay popondohan ng mga pautang mula sa Asian Development Bank (ADB) at Japan International Cooperation Agency (JICA).