Pinuri ni United Arab Emirates (UAE) Vice President at Prime Minister Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum ang Filipino community dahil sa kanilang hindi matatawarang kontribusyon sa Emirati society.
Ayon sa Dubai ruler ang mga Filipino ay magandang pag-uugali lalo na sa pagiging “civil at gentle.”
Pinasalamatan ni Pang. Marcos ang UAE government sa pagtanggap nito sa mga Filipinos na piniling mag trabaho sa kanilang bansa.
Sa pulong nina Pang. Marcos at Sheik Mohammed, tiniyak nito ang commitment ng Pilipinas sa pag resolba sa maritime issues sa pamamagitan ng rule of law at naaayon sa international agreements gaya ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Pinuri ni Sheik Mohammed ang paninindigan ng Pilipinas na imantine ang peace and economic stability sa rehiyon.
Nangako din ang Dubai ruler na paigtingin pa ang trade and investment ties ng dalawang bansa para isulong ang economic development, innovation at sustainability ng dalawang bansa.