Inihayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na hindi magandang imahe sa mata ng mga investors at maging sa reputasyon ng bansa ang mga kontrobersiya na kinasangkutan ng POGO.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Balisacan na mas malaki ang social cost na idinudulot ng POGO sa bansa kesa sa kita na ibinibigay nito para sa ekonomiya.
Naninindigan si Balisacan na nakatutok ang gobyerno sa paglikha ng de kalidad na mga trabaho at hindi ang paglikha ng gambling jobs o hindi magandangĀ uri ng trabaho mula sa pogo o sa sugal.
Pagbibigay-diin ni Balisacan, nagsusumikap ang pamahalaan at mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pag akit ng mga mamumuhunan o negosyo sa bansa at pagandahin ang lagay ng turismo.
Giit ng Kalihim na hindi makbubuti ang mga nakikita ng mga negosyante ang hindi magandang imahe ng bansa dahil sa ibat ibang criminal activities na nililikha ng POGO.
Naniniwala si Balisacan na mas malaki pa ang darating o higit pa ang makukuhang kita ng bansa kung mapapalawak ang ibangĀ mga negosyo kesa ang kitang naggagaling lamang sa POGO.