KORONADAL CITY – Nagpahayag nang pagkadismaya at kalungkutan ang mga anti-mining advocates, environmentalist at simbahan sa South Cotabato matapos na alisin na ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato ang ban sa open-pit mining sa probinsiya.
Kaya’t kasabay nito magsasagawa ng isang Solidarity Walk sa Alunan Avenue, Koronadal City na pangungunahan ng Diocese of Marbel upang ipakita ang ginawa umanong pagtraydor ng mga kasapi ng SP matapos na aprubahan sa third and final reading ang amendment sa Environment Code ng South Cotabato partikular na ang pag-lift sa open pit mining ban.
Ayon kay Bishop Cerilo Casicas, DD ng Diocese of Marbel, hindi man lang isinaalang-alang ng mga kasapi ng SP ang mahigit 70,000 nakalap na signature campaign at ang isinagawang public consultation kung saan narinig naman ng mga opisyal na majority sa mga taga-South Cotabato ay ayaw sa open pit at ayaw na ituloy ng dambuhalang mining company na SMI ang kanilang proyekto lalo na ang pagsira sa kalikasan.
Maliban dito, maraming opisyal, mga environmentalist at mga residente ng probinsya ang dismayado na nasabing desisyon.
Inaasahan naman na maraming sasali at dadalo sa Solidarity March sa darating na Huwebes para ipakita ang pakikiisa ng mga residente sa inisyatibong pangungunahan ng simbahan.
Apela naman ng simbahan na e-veto ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. ang ordinansa matapos na ipasa “unaninmously” ng mga kasapi ng SP.