DAVAO CITY – Kinumpirma ng tagapagsalita nang tinaguriang Paramilitary Organization United States Allied Freedom Fighters of the East (USAFFE) at religious group Bulwark of Bathala founder Atty. Ragen Elly Velez Lao Pamatong o mas kilalang si Elly Pamatong na matagal na itong pumanaw.
Ayon kay Rameses Javier Casten, political liaison at “adopted son” ni Pamatong na namatay umano ito sa cardiac arrest at hindi umano sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinasabing noong buwan pa ng Hulyo pumanaw si Pamatong sa edad na 78-anyos sa kanyang bahay sa Bitas, Arayat, Pampanga.
Agad umano itong na-cremate sa kanyang kahilingan at dinala ang kanyang abo sa chapel ng kanyang religious group sa Arayat, Pampanga.
Si Pamatong ay kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte at tumakbo bilang pangulo noong 2004 at 2020 elections.
Ngunit idineklara itong nuisance candidate sa nasabing panahon.
Bigo rin ito na manalo ng muli itong tumakbo ito noong taong 2007 bilang gobernador sa Pampanga.