-- Advertisements --
image 188

Kinumpirma mismo ni Ukrainian general Brig. Gen. Oleksandr Tarnavsky na dumating na sa Ukraine at natanggap na nila ang inaabangan at kontrobersiyal na cluster bombs na gawa ng Amerika.

Subalit hindi pa aniya nila ito ginagamit sa giyera laban sa Russia at maaaring magpabago sa battlefield.

Si Tarnavsky ang commander ng Tavria Joint Forces Operation na nagooperate sa malaking parte ng katimugang bahagi ng Ukraine.

Una ng kinumpirma nitong huwebes ng Pentagon na ang presensiya ng nasabing munitions sa Ukraine na ibig sabihin dumating na ang ipinangakong cluster bombs ng US para sa patuloy na pagdepensa ng UKraine sa kanilang teritoryo mula sa pwersa ng Russia.

Sinabi din ni US Secretary of Defense Lloyd Austin na gagamitin lamang ng Ukrainians ang cluster munitions sa hindi matataong mga lugar at ipraprayoridad ang de-mining efforts.

Marami din ang nagtaas ng kilay sa naging desisyon ng US sa pagpapadala ng cluster munitions sa Ukarine na nauna ng ipinagbawal sa loob ng mahigit 100 bansa dahil mapanganib ito na kumitil ng libu-libong buhay noong ginamit ito sa WWII.