NAGA CITY – Inaasahang maipoproklama na ngayong araw si incumbent Camarines Norte Governor Edgardo “Egay” Tallado.
Ito’y matapos muling manguna ang opisyal sa gubernatorial race na may 146,6962 na boto laban sa katunggali nitong si Catherine Barcelona-Reyes na may 102,800 votes.
Nabatid na ilang araw bago ang eleksyon, nanganib ang kandidatura ni Tallado nang kanselahin ng Commission on Election (Comelec) 1st division matapos paburan ang petisyon na inihain ng VACC laban dito.
Ngunit isang araw bago ang eleksyon nang makakuha ang kampo ni Tallado ng status quo ante order sa Korte Suprema laban sa naturang desisyon ng Comelec en banc na naging dahilan para matuloy ang kandidatura nito.
Samantala, nagtagumpay din ang asawa nitong si Josie Tallado sa pagkakongresista sa 1st district ng lalawigan na may 65,013 laban sa 56,295 votes ng kalabang si Jojo Unico.