-- Advertisements --

ROXAS CITY – Nakarating na sa lalawigan ng Capiz ang kontrobersiyal na KAPA Community Ministry International Inc. o Kabus Padatoon.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Roxas, isang kilalang negosyante sa Capiz ang nag-aanyaya sa sinumang interesado na dumalo sa weekly outreach KAPA orientation.

Gaganapin ang pagpupulong sa isang barangay sa lungsod ng Roxas alas-8:00 ng umaga ngayong Hunyo 9.

Layunin ng meeting na mapalaganap ang magandang maidudulot ng KAPA sa buhay ng tao.

Batay pa sa ipinamigay na imbitasyon, ito na ang solusyon na hinihintay ng lahat para maging mabilis ang paglago ng kanilang finances.

Sa ngayon ay nakaalerto ang PNP matapos diumano nagpalabas ng memorandum sa kanilang hanay na higpitan at i-monitor ang posible pagpasok ng KAPA sa kanilang lugar.

Una rito ay ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) at maging sa PNP-CIDG na isara na ang operasyon ng KAPA Community Ministry International Inc. o Kabus Padatoon ni Pastor Joel Apolinario