Nagmistulang dagdag atraksiyon ngayon ang kontrobersiyal na paglalagay ng puting buhangin sa bahagi ng Manila Bay.
Napansin ng Bombo Radyo na ilan na rin sa ating mga kababayan ang dumarayo sa lugar at kanya-kanya ng selfie at pagkuha ng larawan.
Maging sa social media ay usap-usapan din ito matapos na umalma ang ilang mga environmentalists na nagsasabing makakasira lamang para sa natural na coastline ang paghahakot ng puting buhangin.
Muli namang nanindigan si Manila Mayor Isko Moreno na ang kanyang pagsang-ayon na ituloy ang pagpapaganda baywalk area ng Manila Bay gamit ang pagtambak ng puting buhangin mula sa dinurog na dolomite boulders ay dahil sa kanyang paniniwala na eksperto ang naturang kagawaran.
Bago paman daw ang pandemya, kinunsulta na ang mga stakeholders sa gagawing facelift sa lugar.
Samantala, lumutang naman ang isyu na ilan pang kritiko ang nagbabalak na maghain ng ng petisyon na Writ of Kalikasan upang ipatigil ang pagtambak ng synthetic white sand sa Manila Bay.