-- Advertisements --
Pumirma ng kontrata sa Zamboanga Valientes ng Asean Basketball League Invitational si dating Jose Rizal University forward John Amores.
Ayon sa Valientes general manager Nino Rejhi Natividad, na nararapat na mabigyan ng ikalawang pagkakataon na makapaglaro si Amores matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan.
Nakita ni Natividad na labis na nagsisi si Amores sa ginawa nito at ang isang pagkakamali aniya ay hindi siya ang tutukoy sa tunay na pagkatao ng isang manlalaro.
Magugunitang nagwala si Amores sa laban nila ng College of Saint Benilde sa NCAA kaya tinanggal siya ng unibersidad at maging sa liga.