-- Advertisements --
Manila bay white Sand 1

Kung kahapon mga nagpoprotesta ang nagpakita  sa Manila Bay, nitong araw naman mga nagdya-jogging, motorcycle riders, bicycle riders at mga namamasyal ang bumuhos upang makiusyoso sa kontrobersiyal na white sand.

Walang humpay na video, pagkuha ng larawan ang napansin ng Bombo Radyo kasama na ang ilang mga bloggers at mga press photographers.

Kahit mga biyahero na dumadaan sa bahagi ng Roxas Boulevard ay napapatigil na rin upang makiusyoso rin sa pagtingin at pagkuha ng larawan.

Marami sa mga ito ay abala rin sa pag-upload sa kanilang mga social media account sa sikat na ngayon na white sand na mula raw sa dinurog na dolomite boulders mula sa minahan sa bayan ng Alcoy sa lalawigan ng Cebu.

white sand manila bay view deck

Kabilang sa naabutan ng Bombo Radyo na nagtungo ng maaga sa Manila Bay ay si Cavite Rep. Elpidio Barzaga, ang chairman ng House committee on natural resources upang mag-imbestiga rin.

Nakipag-usap din siya sa regional director ng DENR at dalawang undersecretaries.

Nakausap din ng Bombo Radyo si Barzaga at ang sinasabi niya, kung merong hihiling ng imbestigasyon at ihahain sa kanyang komite ay didinggin niya ito.

Una nang umagaw ng atensiyon ang pagtambak ng white sand dahil sisira lamang daw ito sa natural na sistema ng kalikasan sa coastline ng pamosong lugar.

White Sand Roxas boulevard Manila Bay