BACOLOD CITY – Inalis na sa kanyang pwesto sa Bacolod City Police Office (BCPO) si Lt. Col. Jovie Espenido.
Basi sa kumpirmasyon ni Lt. Col. Joem Malong, spokesperson ng Police Regional Office (PRO-6), Pebrero 5 epektibo ang relief order ni Espenido na nakaupo ngayong pinuno ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng BCPO at deputy city director for operations.
Ang nasabing relief order ay inilabas mismo ng national headquarters ng Philippine National Police (PNP).
Nakasaad din sa order na mag-report na si Espenido sa office of the chief PNP.
Ngunit hindi naman tinukoy ang rason kung bakit ito tinanggal sa pwesto sa BCPO.
Noong Oktubre 2019 lang nang ma-assign si Espenido sa Bacolod.
Una na ring naging kontrobersyal ang nasabing opisyal dahil sa ilang operasyon na pinamunuan nito na ikinasawi ng ilang sinasabing may kinalaman sa iligal na droga partiklar na sina dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog.