-- Advertisements --
SOCORRO

Handa umanong harapin ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI), isang organisasyong inakusahan ng pang-aabuso sa mga menor de edad sa bayan ng Socorro ng Surigao del Norte ang anumang walang kinikilingan na imbestigasyon

Hinimok din ng naturang organisasyon ang mga Senador na dumalo sa pagsisiyasat.

“Ang hiling ko lang is ‘yung fair naman, fair, ani Jey Rence Quilario o mas kilala bilang “Senior Aguila.”

Nasaktan si Quilario sa mga paratang, at idinagdag na hindi pa raw dumating ang mga awtoridad para magsagawa ng imbestigasyon.

Sa isang pahayag, idineklara ng Department of Justice na nilabag ng grupo ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

Binanggit ng DOJ na ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act ay nilabag mula noong Pebrero 2019.

“Several minors have come forward with their traumatic experiences. Their narratives include being subjected to forced military exercises, labor-intensive tasks, witnessing involuntary child marriages, and facing significant challenges when attempting to leave Sitio Kapihan,” said the Justice Department.

Gayunpaman, inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla noong Biyernes na haharapin na ngayon ng DOJ ang preliminary investigation sa mga pang-aabusong ginawa ng SBS.