Kinuwestyon ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel ang si Vice President Sara Duterte hindi sa mga mali-maling grammar ng kontrobersyal na libro nitong “Isang Kaibigan (A Friend)”
Ginawa ni Manuel ang pagtatanong sa isinagawang House Committee on Appropriations’ deliberation para sa proposed P2.037-billion budget ng OVP sa susunod na taon.
Sinimulan ng mambabatas ang interpolasyon sa pamamagitan ng inosenteng pagtatanong nito kung sino ang author ng nasabing libro.
Usap-usapan nga ang naturang libro dahil ito nakasaad dito na si VP Sara ang mismong gumawa o bumuo ng istorya.
Hinihiling ng OVP ang kabuuang P10 million na public funds para pondohan ang printing at distribusyon nito.
Paliwanag ni Rep. Manuel, maraming makikitang error o mali sa mga fact na nababanggit maging sa grammar ay palyado rin.
Lalo pa aniya nitong mapapasama ang kasalukuyang learning crisis ng Pilipinas.
Partikular na itinukoy ng mambabatas ang salitang bahanaw na ayon sa libro ay isang dahon ng halaman.
Nilinaw nito sa bise na walang dahon ng banahaw at tinanong ang bise na baka ang tinutukoy nito ay dahon ng anahaw sa halip na banahaw.
Pangalawang punto ni Manuel na walang pugad ng kwago ang nakapatong sa sanga kagaya ng nababanggit sa libro.
Sa huli ang sinabi nito na ang naturang libro ay hindi child friendly.