-- Advertisements --

Binawi ng budget office ni US President Donald Trump ang isang kontrobersyal na memo noong Miyerkules na nag-freeze sa paggastos sa mga federal loans at grants, dalawang araw lamang matapos itong magdulot ng kalituhan at legal challenges sa Estados Unidos.

Ang memo na inilabas noong Lunes ay nagdulot ng alarma sa mga estado, paaralan, at mga organisasyong umaasa lamang sa pondo mula sa gobyerno, kabilang na ang mga programa para sa tulong sa pagkain at serbisyong pangkalusugan.

Ayon sa White House inilatag ang freeze bilang isang pagsusuri upang tiyakin na sumusunod ito sa mga executive orders ni Trump tungkol sa mga isyu tulad ng climate change at diversity.

‘The Executive Orders issued by the President on funding reviews remain in full force and effect and will be rigorously implemented by all agencies and departments,’ Pahayag ng White House press secretary na si Karoline Leavitt.

Ang pagkansela ng memo ay nagpapakita ng malawakang pag-aalala ayon sa isang organisasyon sa bansa, lalo na aniya mula sa mga nonprofit groups na umaasa lang sa pondo ng gobyerno, tulad ng Nourishing Hope sa Chicago.

Marami rin ang nag-alala na ang freeze ay magdudulot umano ng pagbabawas sa mga mahahalagang serbisyo, kabilang na ang food stamps at mga programang pangkalusugan tulad ng Medicaid.

Ngunit paglilinaw ng administrasyon na hindi maaapektuhan ang mga direktang tulong tulad ng Medicare, Social Security, at food stamps.