-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Naniniwala ang kontrobersyal na pulis na si PCol. Jovie Espenido na malaki ang magiging kontribusyon ng bagong PNP Chief na si Maj. Gen. Debold Sinas sa mga programa ng gobyerno lalo sa War on drugs ng Administrasyon.

Ayon kay Espenido, deputy Provincial Director ng Samar Police Provincial Office at dating Albuera Chief, na isang aktibong pulis si Sinas na kayang pangunahan ang mga kapulisan.

Naniniwala din si Espenido sa kakayahan ni Sinas laban sa war on drugs.

Matatandaan na si Espenido ang nanguna sa pag dismante sa Pamilya Espinosa na kilala bilang bigtime na drugpusher sa Eastern Visayas.

Mapapag-alaman na si Sinas ang pinakaunang PNP Chief na appointed ni Pangulong Duterte na hindi nabibilang sa kinokonsiderang powerful PMA Class of 1986 na kung saan apat sa naturang klase ay na appoint bilang Chief PNP.