Target ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas na maibalik sa pamahalaan ang kontrol sa serbisyo sa tubig sa Metro Manila.
Ito ay dahil wala naman aniyang ginagawa ang mga pribadong kompanya kundi taasan ang singil sa tubig at ngayon ay ipapasa pa sa mga customers ang multa ng dalawang kompanya sa paglabag sa Clean Water Act dahil sa kawalan ng sewerage treatment facilities.
Sa katunayan, sinabi ni Brosas na gusto pa raw i-blackmail ng Manila Water ang Korte Suprema sa 780% na dagdag-singil nito sa mga customers na magreresulta sa dagdag na P26.70 sa kada cubic meter sa mga water bills.
Sa ngayon, nakahain na sa Kamara ang House Resolution 19 ng Makabayan bloc na naglalayong masilip ang concession agreement ng Metropolitan Water Works and Sewerage System sa dalawang water concessionaires.