-- Advertisements --

CEBU CITY – Binigyang diin ni Office of the Presidential Assistance for the Visayas (OPAV) ASec. Jonjie Gonzales na hindi dapat magpapakampante ang mga tao kahit na may pag-unlad sa kalagayan ng Cebu.

Ayon kay Asec. Gonzales na dahan-dahan nang bumaba ang active cases ng COVID-19 sa Cebu City dalawang linggo na ang nakaraan, sitwayson na hindi dapat magpapakampante ang bawat isa.

Inihayag ni Gonzales ang kahalagahan ng pagpapanatili ng pagiging agresibo laban sa coronavirus sa pamamagitan ng pagtutulungan, lalung-lalo na sa bawat barangay na siyang may direktang control sa bawat konstituwente.

Dagdag pa nito na hindi magtatagal at makaka-ahon na ang Cebu City sa kasalukuyan nitong qurantine status na Enhanced Community Quarantine (ECQ) kung ang lahat ay susunod sa guidelines at patakaran ng gobyerno.

Samantalang ikinalungkot din ng opisyal ang pagbaba ng ekonomiya ng lungsod matapos naranasan ng halos lahat ng mga negosyante ang epekto ng pandemya.

Sa pinakahuling talaan mula sa Cebu City Health Deaprtment, nasa 5,824 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Cebu City samantalang nasa 3,046 ang naka-recover sa sakit at 211 ang bilang ng mga pumanaw dahil sa deadly virus.