Pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensya ng pamahalaan, non-government organizations (NGOs), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na nagtutulong-tulong para sa agarang pagtugon sa mga nabiktima ng 6.1 magnitude na lindol sa Pampanga noong Lunes.
Sinabi ni Pangulong Duterte, ipinagpapasalamat niya ang umiiral na diwa ng pagkakaisa mula sa mga ito sa gitna ng naturang insidente.
Ayon kay Pangulong Duterte, umaasa siyang mananatili ang pagkakaisang ito dahil nasa iisang bansa lamang tayo.
Samantala, una na ring inihayag ng Malacañang na nagpapatuloy ang koordinasyon sa pagitan ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan at iba pang organisasyon para sa kinakailangang pagtugon kaugnay naman sa naranasang lindol sa Eastern Samar kahapon.