-- Advertisements --

CEBU CITY – Nagpapasalamat si DENR Secretary Roy Cimatu sa kooperasyon ng mga Cebuano na nag-comply sa mga health standards at protocols.

Ito aniya ay nagresulta ng malaking improvement sa kanilang ginawa upang mapigilan o mabawasan ang pagtaas ng kaso ng coronavirus kumpara noong unang mga buwan ng pag-lockdown.

Naging dahilan din daw sa pagbaba ng mga kaso ng nasabing virus ang pagsisikap ng city government sa isinagawang contact tracing, testing at lockdown.

Bagama’t isinailalim na sa general community quarantine ang Cebu, pinaalalahanan pa rin nito ang publiko sa pagsunod sa mga restrictions at guidelines upang makamit ang layuning makarekober ang ekonomiya at libre ng makagawa ng kahit anong mapaglilibangan ang mga ito.

Sa panig naman ni Cebu City Mayor Edgardo Labella, dapat umanong isipin ito ng mga Cebuano bilang isang hamon, hindi magkampante, maging alerto at sundin pa rin ang mga health protocols kahit ibinaba na ang quarantine status nitong lungsod.

Samantala, base sa pinakahuling data na inilabas ng Department of Health, mas mataas ang bilang ng mga recoveries sa Cebu City na umabot na sa 5,808 kumpara sa aktibong kaso nito na nasa 2,764.