-- Advertisements --

Personal na binisita at ininspeksyon ni Department of Transportationn (DOTr) Sec. Vince Dizon ang Batangas Port bilang bahagi pa rin ng paghahanda ng departamento sa inaashang dagsa ng mga mananakay sa darating na Semana Santa.

Pinuri ng kalihim ang naging maayos na kooperasyon ng mga pribadong sektor at ng mga maritime authorities gaya ng Philippine Ports Authority (PPA) ng Philippine Coast Guard (PCG) at maging ang Asian Terminal inc. na nagpakita ng mgandang ugnayan at mas epektibong operasyon bago pa man ang Holy Week Exodus.

Kasunod nito ay nagbabala naman si Dizon sa mga nagbabalak na mag-overloading sa mga barko at agad na inutusan ang PCG na maging mahigpit sa pagpapatupd ng passenger at vehicle limits.

Aniya, ang sinumang lumabag sa direktibang ito ay titiyaking bibigyan ng mabigat na parus at haharap sa mga karamptang parusa.

Samantala, magpapatupad na rin ng e-ticketing system ang pamunuan ng mga pantalan ngayong taon para sa mas mabilis na pagbili ng mga ticket ng mga pasahero at maiwasan din ang mahaang pila.

Sa naging pagiikot naman, katuwang ni Dizon ang mga opisyal mula sa PPA na sio PPA General manager Jay Santiago at PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan para masiguro na nakahanda na ang Batangas Port sa Semana Santa.