CENTRAL MINDANAO – Pinalalakas pa ang mga kooperatiba sa buong probinsya ng Cotabato sa tulong ng provincial government sa gitna ng dinaranas na pandemya.
Sa pangunguna ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) ginawa ang taunang Cooperative Forum na may temang, “Cooperatives amidst the pandemic, stand for resiliency, strive for sustainability.”
Tinalakay ang issues and concerns sa operasyon ng mga kooperatiba, kasama ang partner agencies mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Cooperative Development Authority (CDA), at ang Mindanao Development Authority (MinDA).
Nagbigay din ang BIR at CDA ng updates ng bagong labas na memorandum circular, at ang MinDA naman ay nagbigay ng istratehiya patungkol sa online marketing upang tuloy-tuloy ang operasyon kahit na may pandemic.
Naging representante ni Cotabato Governor Nancy Catamco si BM Dr. Philbert Malaluan na nagpaabot ng mensahe bilang suporta sa kooperatiba.
“Cooperatives are the hallmarks of change in North Cotabato. Kung maganda ang kooperatiba, gaganda rin ang ating ekonomiya,” sinabi pa ni Malaluan.
Pinarangalan din ng probinsya ang mga nanalong kooperatiba na tumanggap ng plaque at cash incentives.