-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang pagtutok ng Department of Interior and Local Government upang paigtingin ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Layon nito na makapagbigay ng agarang tugon sa publiko tuwing mag kalamidad na tumatama sa bansa.

Kung maaalala, ilang mga lungsod sa National Capital Region ang binaha dahil sa nagdaang Habagat at bagyong Carina .

Ayon kay DILG NCR Local Government Monitoring and Evaluation Division (LGMED) Chief Raymond Gerard De Asis, ang inisyatibong ito ng ahensya ay upang masiguro ang mabilis na pagtugon ng mga LGU at mga opisyal ng barangay tuwing may bagyo o sakuna.

Ito ay kinabibilangan rin ng capacity development at mahigpit na koordinasyon bilang parte ng Metro Manila Regional Disaster Risk Reduction and Management Council.

Nakanda rin ang DILG na umalalay sa mga LGU sa oras ng pangangailangan at kalamidad.