DAGUPAN, City- “Deserve nila ang heroes’ welcome.”
Ito ang inihayag ni Bombo Internation News Correspondent Jhae-ar Balico mula sa bansang France kaugnay sa nakamit na magandang pagtatapos ng kanilang koponan sa FIFA World Cup 2022.
Ayon kay Balico, bagaman nabigo ang France para sa makasaysayang back-to-back championship sa nabanggit na torneyo, ngunit hindi naman matatawaran ang ipinamalas na dedikasyon at pagbibigay karangalan ng mga manlalaro ng nabanggit na team.
Aniya, sa kabila ng kanilang murang edad, nakaabot pa rin sila sa magandang pwesto sa World Cup at nakatitiyak ito na sa susunod na mga torneyo ay babawi ang mga ito.
Isa rin umano sa kinabibiliban ni Balico sa naturang team ay ang puso ng mga manlalaro para sa kanilang nipiling sport. Katunayan, ang kanilang napanalunang premyo ay ido-donate nila sa Footbal Federation of France para sa patuloy na pananaliksik ng mga bagong manlalaro, play analysis o pagawa ng mga stratehiya sa laro, at gayundin ng pagsasanay ng mga manlalaro para sa mga international competition.
Bukod pa rito, kahanga-hanga rin ang ipinakitang aksyon ng France mula sa pagkatalo sa nabanggit na kompetisyon dahil ang mga french ay marunong tumanggap ng kabiguan.
Sa kabila nito, isa sa inaabangan ng mga mamayan ng France ay ang pagbawi nila sa iba pang mga international competitions lalo na sa Olympics kung saan sila ang mag-ho-host sa 2024.