Inihatid na ang kopya ng kaso laban sa dalawang opisyal ng Armed Force of The Philippines (AFP) na sangkot sa pagkamatay ng modelo at negosyanteng si Yvonette Chua Plaza noong Disyembre 28,2022 sa Davao City.
Kinumpira ito ni Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., commander ng Philippiane Army.
Sinabi ni Brawner na nagpapatuloy ang pre-trial investigation laban sa dating commander ng 1001st Infantry Brigade na si BGen. Jesus Durante III at Col. Michael Licyayo kung saan agad namang nagbigay ng counter-affidavit ang dalawa.
Kinasohan ang dalawa ng court martial dahil sa paglabag nito sa Articles of War 96 at 97.
Ang Articles of War 96 ay ang “Conduct Unbecoming an Officer and a Gentleman” habang ang Articles of War 97 naman ay ang “Conduct Prejudicial to Good Order and Military Discipline”.
Ang sinumang mapatunayang lumabag sa Articles of War 96 ay tatanggalin sa serbisyo militar.
Habang ang mapatunayang lumabag sa Articles of War 97 ay kailangang parusahan ng Court Martial ayon sa maging desisyon ng Korte.