-- Advertisements --

Cebu City-Napakaseryoso na umano at “worst case” ngayong taon ang isyu ng korupsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ang naging pahayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, nang makapanayam ng Bombo Radyo Cebu.

Sinabi nito na sobrang ikinagagalit umano ng mga mambabatas ang naturang isyu dahil timing pa umano itong nahaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.

Iginiit ng senador na nakapakurap umano ng nag-imbento ng sistema kung saan magbibigay muna ng cash ang pasyente bago gagawin ng mga pagamutan ang kanilang trabaho lalo na sa sitwasyon ngayon at mismong ang mga pagamutan rin ang nagtotolerate sa korapsyon ng PhilHealth.

Kaugnay na nito ang mga report na umabot din sa opisina ng senador kung saan may mga pagamutan na nagdedeclare nga “pnuemonia” sa kanilang pasyente gayong simpleng sipon at ubo lang naman ang sakit nito.

Kaya naman hindi na magugulat pa si Sotto kung sasampahan ng plunder case ang mga PhilHealth officials dahil sa naturang kontrobersiya.