-- Advertisements --
South Korea
South Korea/ Fiba image

Tinambakan ng South Korea ang Indonesia 109-76 sa pagsisimula ng 2021 FIBA Aisa Cup qualifiers.

Hawak pa ng Indonesia ang kalamangan hanggang nagtala ang Korean ng 31-5 runs sa laro na ginanap sa Britama Arena, Sportmall Kelapa Gading sa Jakarta.

Nanguna sa panalo si Nakhyeon Kim na nagtala ng 14 points para maitala ng kopanan ang unang panalo.

Susunod na makakaharap ng Indonesia ang Gilas Pilpinas sa darating na Pebrero 23.