-- Advertisements --

Umatras na ang Korea sa pagsali sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers na gaganapin ngayong buwan sa Manama, Bahrain.

Ayon sa Korea Basketball Association (KBA) na dahil sa pangamba ng COVID-19 sa mundo ay kaya sila nagdesisyon na umatras na.

Nakatakda sanang makaharap nila ang Gilas Pilipinas sa Nobyembre 28 at ang koponan ng Indonesia sa darating na Nobyembre 30.

Pinangungunahan ni naturalized center Ricardo Ratliffe ang Korea na kilala na ngayon bilang si Ra Gun A.

Kasalukuyang nasa Group A ang koponan na mayroong dalawang panalo at wala pang talo ang koponan.

Dahil dito ay magkakaroon ng pagbabago ang mga schedule ng laro sa mga ka-grupo ng Korea.