Umatras na sa pagtungo sa Pilipinas ang national team ng South Korea matapos na mahawa sa COVID-19 ang ilang players
Kinumpirma ng Korea Basketball Association (KBA) na darating sana ngayong araw sa bansa ang kanilang team para sumabak sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers na magsisimula na sa Huwebes.
Gayunman isa sa mga players ang nagpositibo sa coronavirus kaya naman lahat ng mga players ay naging close contacts at kailangan na sumailalim muna sa quarantine.
Sa ngayon wala pang reaksiyon ang mga organizers lalo na ang FIBA dahil sa namemeligrong mag-default ang Korea sa apat nilang gagawin sanang laro.
Batay sa naunang schedule, buwena sanang makakaharap ng mga Pinoy ang karibal na Korea sa Huwebes at may rematch sa Lunes.
Plano rin sanang makaraharap ng Koreans ang New Zealand sa Biyernes at India naman sa Linggo.