Nais ngayon i-promote ng Korean actor na si Kim Ji Soo bilang global tourist destination ang Pilipinas.
Kaugnay ito ng kakatapos lang na premier nang global tourism destination nitong araw kung saan dinaluhan ng mga opisyal ng gobyerno, media at sikat na artista sa entertainment industry, upang maipakita ang suporta sa ‘Pasasalamat’ event.
Ang naturang event ay pinangunahan ng Tourism Promotions Board (TPB) Philippines para sa kanilang thanksgiving celebration.
Kamakailan lang ay naabot ng TPB ang higit sa P11.3 bilyon na halaga ng sales leads nito noong 2024 at nakipagtulungan sa iba’t ibang mga kilalang personalidad kabilang na ang American actor at modelo na si Timothy Granaderos, Filipino-American na si Nico Santos, American actor na si Josh Dela Cruz, American pop-rock band na Lany, at si Kim Ji Soo, na nagresulta sa mahigit P1.44 bilyon na halaga ng kita ng media.
Suot ni Kim Ji Soo ang sleek black organic-dyed na piƱa barong tagalog, na ipinares sa modernong striped na tuxedo pants, at stylish na sapatos.
Maaalalang sinimulan ni Kim Ji Soo ang kanyang karera sa Pilipinas, nang lumabas ito sa mga hit na programa tulad ng “Black Rider” at “Abot-Kamay na Pangarap,” pati na rin sa pelikulang “Mujigae.”