-- Advertisements --

Nagpahayag ng kasabikan ang Korean actor na si Song Joong-ki na makabisita sa bansa.

Sa social media account nito ay sinabi niyang sabik na itong makita ang mga Pinoy fans.

Itinakda ang pagbisita ng Korean actor sa Mayo 24, 2024 sa Mall of Asia sa lungsod ng Pasay.

Ang actor ay nakilala sa mga pelikula niyang “Descendants of the Sun”, “Vincenzo”,”Reborn Rich” at maraming iba pa.

Magsisimula ang bentahan ng tikcets sa darating na Abril 7.