-- Advertisements --

Pumanaw na ang South Korean actress na si Kim Mi-soo sa edad na 29.

Kinumpirma ito ng kaniyang agency na Landscape Entertainment subalit hindi na sila nagbigay pa ng anumang dahilan.

Nakiusap rin ang nasabing ahensiya na huwag magpakalat ng anumang maling impormasyon sa pagkasawi ng actress.

Bumida ang actress a Disney series na “Snowdrop” at Netflix series na “Hellbound”.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang mga nakasama nito sa pelikula.