-- Advertisements --

Atake sa puso ang sinasabing dahilan ng pagpanaw ng Korean actress na si Oh In Hye.

Ayon sa mga kapulisan, natagpuan ang bangkay ng 36-anyos na actress a bahay nito sa Songdo International Yeonsu Police at Incheon Songdo Fire Station.

Sinubukan pang iligtas ito sa pamamagitan ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) bago ito dinala sa pagamutan.

Kahit na bumalik sa normal ang paghinga ay hindi pa rin itong nagkamalay at dakong alas-8:00 ng gabi ng Lunes ng tuluyan na itong binawian ng buhay.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad kung siya nga ba ay nagpatiwakal.