-- Advertisements --
Nagbigay ng donasyon na pera ang South Korean actress Son Ye-jin sa kaniyang bayan sa Daegu para malabanan ang coronavirus.
Aabot sa 100 million won o katumbas ng P4.1 million ang ibinigay niya sa non-profit organization na Community Chest of Korea.
Sa kaniyang social media post sinabi niya na ang Daegu kung saan siya ipinanganak at lumaki ay mahalaga sa kaniya.
Ang nasabing lugar kasi ay siyang itinuturing na epicenter ng coronavirus (COVID-19) kung saan nasa mahigit 1,500 na ang nadapuan na karamihan ay taga doon sa lugar.
Nakilala ang actress sa pagbida niya sa Korean teleserye na “Crash Landing On You” .