-- Advertisements --
Song Hye kyo
Song Hye-kyo/ IG post

Agaw-pansin ang unang public appearance ng Korean actress na si Song Hye Kyo, halos dalawang linggo matapos ang divorce announcement ng asawang si Song Joong Ki.

Dumalo si Song Hye Kyo sa isang event sa China para sa pino-promote nito na South Korean cosmetic brand.

May mga nagsabi na “all smiles” naman ang 37-year-old Korean actress sa gitna ng nasabing event sa kabila ng pinagdadaanang divorce.

Una rito, “irreconcilable differences” ang sinasabing dahilan ng pakikipagwalay ng 33-year-old actor.

Nabatid na halos dalawang taon pa lamang mula nang ikinasal ang dalawa na nakilala sa hit television drama na ” ‘Descendants of the Sun” kung saan sila naging loveteam.