-- Advertisements --
image 429

Hiniling ni Korean Ambassador to the Philippines Kim Inchul sa Department of Justice (DOJ) na i-deport ang tatlong Korean national.

Ayon sa Department of Justice, nag-courtesy call si Kim kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at ipinaabot ang kanyang pagbati sa pagpapa-uwi ng apat na Japanese fugitives.

Sinabi ni Kim na ang opisyal na kahilingan para sa deportasyon ng Korean nationals ay ipinadala ng kanyang consul-general.

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Remulla na titingnan niya kaagad ang mga proseso at kinakailangan gawin para sa naturang kahilingan.

Una na rito, kamakailan ay ipinauwi ng gobyerno ang apat na pugante na Japan na pinaghihinalaang namamahala ng serye ng mga pagnanakaw sa kanilang sariling bansa habang nakakulong dito sa Pilipinas.