-- Advertisements --

Nakatakdang i-inquest ngayong araw ang naarestong Korean-American national na nahulihan ng nasa 140 ecstasy tablet kagabi sa may MOA complex na nagkakahalaga ng P420,000.

Nakilala ang naarestong banyaga na si Jun No alias Justine na isang American pero ang lahi nito ay Korean na isa umanong negosyante.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang hinahanda ng PNP laban kay No.

Ayon kay PNP DEG chief PSSupt. Graciano Mijares na tatlong linggo nilang tinrabaho si No batay na rin sa ibinigay na impormasyon ng isang tipster.

Iniimbestigahan na rin ngayon ng PDEG ang pagkakasangkot nito sa mga big time drug syndicates na nag-ooperate sa bansa.

Sinabi ni Mijares na unang nanirahan si No sa Cebu City bago ito lumipat dito sa Metro Manila.

Ibinunyag din ng PDEG na dito sa bansa ginagawa ang mixture ng ecstacy at nilalagay sa capsule pero ang component ng mixture ay galing pa rin sa abroad partikular ang MBA at Quetamine.

Tinitignan din ng PNP ang posibleng ugnayan nito sa mga big time drug lord sa Cebu City.

Ang pagkaka aresto kay No ay siyang buena mano sa bagong tatag na anti illegal drug group ng PNP matapos buwagin ang PNP AIDG.

Kinumpirma din ni Mijares na ang pag aresto kay No ay bahagi sa pending project ng binuwag na AIDG.

Napag-alaman na nasa P3,000 ang halaga ng bawat isang capsule ng ecstasy.