-- Advertisements --
Nuest
Nu’est/ Twitter Image

Magsasagawa ng concert sa bansa ang Korean boy group na Nu’est.

Sa kanilang Twitter account nagpost ang grupo ng mga lugar na kanilang pupuntahan at kabilang dito ang Pilipinas.

Ilan sa mga napiling lugar ay ang Bangkok, Jakarta, Kuala Lumpur, Hong Kong at Taipei.

Nabuo ang grupo noong 2012 na kinabibilangan nina JR, Aron, Baekho, Minhyun at Ren.

Noong nakaraang buwan ay inilabas nila ang bagong kanta nilang “Bet Bet”.