Iniulat ng Commission on Elections (Comelec) na nag-iisang bidder para sa midterm automated election system sa 2025 ang joint venture na pinangungunahan Korean company na Miru Systems Co., Ltd.
Ayon sa poll body, sinubukan ng Smartmatic na magsumite ng bid documents nito noong umaga ng Huwebes subalit hindi ito tinanggap ng Special Bids and Awards Committee ng poll body dahil walang restraining order sa diskwalipikasyon ng kompaniya.
Humiling din ang kinatawan ng Smartmatic para sa resolution na nagpapaliwanag kung bakit umano tinanggihan ang bid nito.
Matatandaan na ang Smartmatic ang matagal ng provider ng vote-counting machines ng Pilipinas simula ng lumipat ito sa automated elections noong 2010.
Subalit kamakailan lamang nagpasya ang Comelec na idiskwalipika ang smartmatic mula sa public bidding para sa procurement o pagbili ng mga bagong makina na gagamitin sa midterm election dahil sa kinakaharap na isyu ng kompaniya hinggil sa umano’y money laundering at panunuhol na maaaring makaapekto sa integridad ng halalan.
Last edited by forever on Thu Dec 14, 2023 2:27 pm, edited 2 times in total.