KALIBO, Aklan—Nag-courtesy call ang mga Korean Consuls sa Aklan Police Provincial Office (APPO).
Nakipagkita sina Consul General Uhm Won Jae kasama si Vice Consul Jin E Heo, Boracay Consulate Soojim Kim at Kalibo Assistance Consular agent TZ-D kay Provincial Director PCol. Esmeraldo P. Osia, Jr. at Deputy Provincial Director PLTCol Jacob T. Crisostomo.
Pinag-usapan ng magkabilang panig ang hinggil sa tourist assistance and security package na ipinapatupad ng Aklanon Police at iba pang Law Enforcement Agencies na nakatalaga sa isla ng Boracay.
Nabatid na ang Korea ang isa sa mga Philippine’s largest source ng turismo at identified bilang malaking trading partner.
Ang lalawigan ng Aklan ang isa sa mga major destinations ng kanilang nationals partikular sa isla ng Boracay.