Trending at patuloy na tinatangkilik at pinag-uusapan ng maraming mga Pinoy fans ang Korean series na Move To Heaven na mapapanuod sa Netflix.
Ang drama series ay patungkol sa mga trauma cleaners, o ang mga indibidwal na naglilinis ng isang crime scene o isang lugar kung saan natagpuan ang katawan ng isang pumanaw na tao. Pinagbibidahan ito nina Lee Je-hoon (Tomorrow, With You, Where Stars Land), Tang Jung-sang (Crash Landing On You), at Hong Seung-hee (Just Dance, Navillera).
Sa press event ng Netflix na dinaluhan ng Star FM ay inamin ng direktor na si Kim Sung-ho na noong una ay hindi nito alam ang patungkol sa trabaho ng mga trauma cleaners, at nang mabasa raw nito ang non-fiction essay ng writer at isa sa mga unang trauma cleaners sa South Korea na si Kim Sae-byul na “Things Left Behind”, kung saan “inspired” ang drama, ay lalo umano itong naudyok na pangunahan ang paggawa ng series.
Samantala, ibinahagi naman ng 23-year-old actress na si Seung-hee na nais nilang makapagbahagi ng magandang mensahe mula sa drama series na makakatulong sa maraming mga tao.
“[The stories] might be very familiar to you because the stories are about everyday life. I really hope you can all relate to the stories and this can provide you the opportunity to become better people in society and to the people around you,” saad nito.
Dahil nga sa COVID-19 pandemic ay naantala ang produksiyon ng Move To Heaven noong August 2020. Inilabas ito noong May 14 at may kabuuan itong 10 episodes. Ito na nga ang 11th South Korean Netfllix original series na inilabas sa streaming platform.