Sisimulan ng Korean Embassy sa Pilipinas ang trial operations para sa pagsusumite ng Korean tourist visa applications sa pamamagitan ng email.
Ayon sa embahada, ang trial operation period ay mula Pebrero 1 hanggang Abril 30 para sa “C-3-9 tourist visa application ng mga Filipino national.
Sasaklawin nito ang mga lugar ng Palawan at Mindanao.
Ang tourist visa application by mail fee ay P1,900 kada aplikasyon na binubuo ng P900 Korean visa application center fee at P1,000 delivery fee.
Matatandaang inihayag ng Korean Embassy na papagaanin nito ang mga kinakailangan o requirements para sa aplikasyon ng visa sa ilalim ng apat na kategorya.
Ito ay ang mga kategorya ng elected politicians, government officials, professional license holders, at ang lahat ng credit card holders.
Dagdag dito, pinaalalahanan ng embahada ang lahat ng pag-aapply na sundin ang lahat ng hakbang upang maiwasan ang anumang aberya.
Una na rito, ang nasabing hakbang ay makakatulong sa mga pasahero na mapadali ang kanilang proseso bago makalipad.